PAANO MAG-PM SA RAKETIRONG PINOY FORUM
Marami ang nahihirapan pa na kabisaduhin ang ating bagong tambayan. Naintindihan namin yon dahil hindi naman lahat ay talagang may maraming alam sa larangan ng mga bagong teknolohiya lalo na pagdating sa internet at mga websites. Sigurado naman na dati nahihirapan din tayong kabisaduhin ang SKYPE, Facebook at pati na din sa bagong ginawa nating new method of reporting sa spreadsheet pero kinalaunan nagawa pa rin natin dahil lahat naman na bagay napapag-aralan. Maaaring sa umpisa mahihirapan pa kayo pero kung nakabisado nyo mas madali na lang ang mga ito.
Pagdating naman sa PM features ng forum natin, mahirap din sa umpisa dahil medyo nakatago pa ito at kailangan mo pang hanapin. Pero siguro naman, payag kayo sa sinasabi ng karamihan na magagaling daw ang mga Pinoy lalo na pagdating sa paghahanap ng mga nakatagong bagay. Aba! parang nararamdaman kung sa treasure mauuwi itong usapan natin. Hahaha
Anyway, itututo ko sa inyo kung paano ba magPM o i-PM si bosing charlie gamit ang ating bagong tambayan na RAKETIRONG PINOY GROUP? Sundan nyo lang ang gagawin kung guide para hindi kayo maliligaw at matulad kayo sa naghahanap ng nakatagong yaman ng mga hapon ang YAMASHITA.
Ang una nyo lang gawin, hanapin ang pangalan ng member na gusto nyong i-PM, pwede kayong pumutan sa members list. Nasa pinakataas ng forum ang features na ito.
Click the MEMBERS button para makikita nyo ang loob. Once na pindut nyo na, makikita nyo ang mga pangala ng members na naka buyangyang sa may kaliwang bahagi ng page. Dalawang method ang paghahanap ng members. Una, SCROLL down your mouse at hanapin ito sa listahan na makikita sa kaliwang bahagi o gamitin nyo yong alphabetical order na nasa itaas na bahagi para madali nyong mahanap ang hinahanap nyo. See illustration below:
Kapag nahanap nyo na ang matagal nyo ng hinahanap, si EX lang pala ang ipi-PM..Hahaha Just click the name or username ng taong gusto nyong i-PM, tapos makakapasok kayo sa kanyang pagkatao. Hehehe pwede rin makakapasok kayo sa kanyang bituka...Lalamunin lang pala kayo. Anyway, tama na sa kalukuhan, tingnan nyo ang illustration sa baba, makikita nyo ang button kung saan doon kayo magsend ng private message na I LOVE YOU kay BROSRADGE or kay BOSIN CHARLIE.
Bukod sa Private Message, pwede din kayong mag send ng Email gamit ang button sa tapad ng PM button. Di ba sabi ko sa inyo madali lang hanapin? Kaya, magpadala na kayo ng I LOVE YOU kay boss charlie para ganado siyang magtrabaho at i-guide kayo sa iba pang mga online opportunities na idagdag natin sa ating mga pagkakakitaan. Paano gawin ang mensahe? Please see illustration below:
After nyo ma-click ang SEND MESSAGE, automatic mag-a-alert yon sa taong pinadalhan mo ng mensahe. Kung online ito, malalaman nya agad na mayrong nagpadala ng mensahe sa kanya. See illustration below:
PAANO MAG-PM SA RAKETIRONG PINOY FORUM
Reviewed by RAKETIRONG PINOY
on
January 17, 2019
Rating:
Post a Comment