LEADS REPORTING FORMAT - SPREADSHEET
Kung napansin nyo na medyo magulo ang reporting natin sa Skype GC, mas lalong naguguluhan kaming mga kumukuha ng report nyo paisa-isa. Kung umabot na kayo sa mahigit isang libo o sampung libo, mauubos ang oras namin sa isang araw sa pagkuha lang ng report nyo. Kaya napagdesisyonan na mag-upgrade muna tayo ng kunti.
Hindi na individual reporting per LEADS ang gagawin natin umpisa ngayong January 2019. Gagamit na tayo ng Google Spreadsheets para mapagaan ng kunti ang trabaho natin sa bawat isa. Sa umpisa lang naman ito medyo mahihirapan kayo pero sa mga susunod na buwan, feeling hayahay na tayo dahil update-update nalang gagawin natin kapag meron tayong idagdag. Gawin naming napaka-simple ang guide na ito para hindi kayo mahihirapang gawin ang spreadsheet format.
Ganito lang ang gagawin nyo, open this link to your browser para mabuksan ang spreadsheet ni Google: https://docs.google.com/spreadsheets/u/0/ Siguraduhin na ang inyong browser ay may naka-link na email para derikta ninyo itong ma-access. Kapag nabuksan nyo na ang spreadsheet, makikita nyo sa itaas ang mga nakahilirang mga sample na maaari nyong gagawin sa inyong spreadsheet pero piliin nyo yong BLANK para ma-customize nyo ang inyong spreadsheet.
Bilang ng mga columns na gagawin
Mga features to customize your spreadsheet
Kailangan nyo ng labing pitong column para magawa ang kinakailangan naming spreadsheet para sa reporting. Pwede kayong pumili ng gusto nyong fonts, o di kaya ay gawin nyong makulay ang inyong spreadsheet....nasa inyong mga kamay nakasalalay ang inyong buhay, este inyong mga report pala. Hahaha
Para magawa ninyo ng maayos, inaanyayahan namin kayong panoorin ang aming simple video tutorial sa link na ito: https://youtu.be/XNF2eTIGYiw
LEADS REPORTING FORMAT - SPREADSHEET
Reviewed by RAKETIRONG PINOY
on
January 03, 2019
Rating:
Nice galing...keep it mga Master...godbless po..
ReplyDelete